Naglalaba ako kanina ng may biglang lumapit na ale sa gate at inalok akong bumili ng walis. Di ko na kailangan ng walis , but, dahil mukhang unique ung bitbit ng ale, kaya naisipan kong bumili at subukan ang black broom. Pero, may kundisyon ang pagbili ko ng walis ni manang, bibili ako kapag pumayag syang picturan ko sya. And so, success!
Sya si manang moning, matagal na syang nagtitinda ng walis (duration?). Ibang ang klase ng walis na bitbit ni manang, di gawa sa tanim. Karaniwan ang walis na nakikita ko ay ung gawa sa damo. Damong makikita sa bakanteng lupa (dun sa tabi ng basakan ng kapitbahay namin sa aming bukid), sa matataas na lugar, na parang cogon ang dahon... ah ewan, anong klase ba un. Nag-chika-chika kami ni manang, kinukuha pala nila sa bukidnun ang raw materials at sa linamon na lng nila tinatahi para maging walis. Gawa sa plastic ang walis, as in plastic (ung parang plasic straw).At kapag walis na, saka nila ibenebenta sa halagang P35 (may tawad pa yan!).
Di ko karaniwang nakikita si manang sa lugar namin, kaya naitanong ko na rin, kung san sya nakatira. Sa linamon daw, ang layo naman ata ng na"suruyan" ni manang. Sabi nya, meron daw syang kamag-anak sa kalapit naming baranggay, kaya naisipan na lng rin nya mglako ng walis sa aming lugar para mgkapera. Nacurious din ata sya kung bakit ko sya kinunan ng picture, sinabi kong meron akong project sa school.. hehehe (sa mukha kong ito, mapagkakamalan pa talaga akong studyante). Pinayuhan ako ni manang na mag-aral ng mabuti kasi nga importante daw ang edukasyon, at umalis na si manang, hanap na naman sya ng ibang customer.. napangiti ako, mabuti pa to si manang concern as akin.
No comments:
Post a Comment