Nakikinig ako kanina ng music ng Dashboard Confessional na "Vindacated" at feel na feel ko ang pagkanta, with matching "sort of microphone" at ng-iimagine na nasa harap ako ng aking x-bf ng biglang merong nakipagkompetensya sa aking ingay. ENNNGGGGG!!!ang sakit sa tenga, at parang may nakita akong mga dahon at damong nagliparan sa harapan ng aming gate (mayroon pa atang free falling stones). Kaya pala, pinuputol pala ang isang mama ang mga unwanted grasses sa aming surroundings. Ang galing, meron na kaming free grass cleaning every month, salamat sa project ni brgy. captain.
Dahil nga ng-iipon ako ng mga trabaho, pinicturan ko si manong (stolen shot daw). Na-shock sya at tumigil sya sa pag-lalawn mower and then he asked (part na lng ng aming conversation):
manong: gikodakan ko nimu? (u took a picture of me?)
ako: opo (yes)
manong: ngano man? (why)
ako: naa man gud ko project sa school na mga trabaho, ingun amo maestra, picturan daw namo (i have a school project bout the different jobs, and our teacher instructed us to take pictures)
manong: mao bah! apili n lng pud ng mga sikad driver (is that so! u should include the sikad- driver too)
ako: human na, naa nako picture nila (i have pictures of them already)
manong: sige, pero sayang, di makita ako dgway. (ok, but wht a waste, they cant see my face)
ako: ok lng manong, part man sa imu custome (its ok sir, its part of ur custome)
manong: sige, tabi sa gamay day ha samtang gapicture ka kay basin maigo ka ug bato, kasagaran man gud, dghan malagpot (ok, but u should be far from me, because u might be hit by stones.. nosebleed nako sa pgtatranslate hehe)
kaya ayan si manong, ngpuputol ng damo sa harapan ng aming bahay. After nya matapos putulin ung mga damo jan na space, inoff muna ni manong ang gadget at saka pinalitan ng nylon (ha nylon?) as in nylon dun sa parteng ginagamit para pumutol ng tanim. akala ko talaga, kutsilyo or stainless steel ang ginagamit, but then, another information, nakakaputol pala ng tanim ang nylon (makapal na nylon) kapag pinapaikot ito ng mabilis na mabilis.
at mas lalo pa akong na-amazed, si manong, nagtritrim din ng tanim, marunong din pala sya sa beautification chuva ekek.. well rounded ha! Di lng pala sya expert sa grass cutting, pati na rin sa trimming. And so, di ko pinalampas ang pagkakataon, kinunan ko ng shot ang action ni manong.
at syempre, para makumpleto ang aking research, tinanong ko na rin kung anong name nya at ang sagot nya, Terrorista. Oo nga naman!
No comments:
Post a Comment