Saturday, April 19, 2008

2. Promo Boy

ikalawang napagtripan... ang promo boy

Kahapon habang akoy umiikot sa Gaisano Mall (uhu!..umiikot lang talaga), biglang may lumapit sa aking gwapong lalake na naka-unipormeng pangmission impossible ang dating, at inalok akong tumikim ng coke zero. Subalit, dahil gwapo sya, di ko man lang natikman yung product na bitbit nya kasi ngblush ako (kahiya!).. so i decided, escape na lang muna sa scene para di mahala ang pagrered ng aking face.

Ang daming tumikim nung product, effective ata ang costume nilang all black, with matching boots, at katulad nga ng aking nabanggit, parang ung nasa isang eksena ng mission impossible hehehe.

Naitanong ko, gaano ba kahirap ang kanilang trabaho? However, dahil di pa rin kaya ng aking face na harapin si Mr. gwafo guy, gumawa na lang ako ng sariling sagot sa aking tanong. Timing naman na merong lumapit na gwapo guy (gwapo 2), but di na ako interesado sa kanyang aura kaya nasubukan ko ang kanilang product... hmmm.. sarap ng coke zero, lasang coke. Tatanungin ko na sana sya kung magkano ang kanilang kinikita, enjoy bah ang trabaho nilang "Promo boy", at di ba nakakapagod ang maglakad-lakad sa mall (well, aircondition din naman, no sweat!) at kukumbinsihin ang mga mamimili na tumikin na new product in town. But, parang seryoso si gwapo 2 at after na bigyan ako ng isang cup, umalis man lang before pa ko makapagsalita. Kaya, ayan , kinunan ko n lng sya ng picture, medyo blurd lang nga kasi ang kulit nya at ang hilig nya talagang maglakad, ang sipag!


habang inaalok ni promo boy ang customer na tumikim na product nya .. (sya si gwapo 2)

Nakalimuta ko palang tanungin ang pangalan ng aking subject, kaya pinuntahan ko sya kaya lang umalis na naman sya at lumipat ng ibng posisyon, kaya picture na lang ako uli.


bitbit ni gwapo 2 ang product at nghahanap uli ng customer na titikim ng dala nya

Dahil na rin sa kanilang gimmick na parang mga sundalong nakaitim, ang daming tumikin na product. Well, basta libre, masarap talaga! hehe! At naisip ko, kapag pinasok ko ang ganitong trabaho, aside sa pleasing personality, dapat maging charming, courteous, constant ang smile, patient, at ano pa ba ang napansin ko sa kanila..hmmm.. think girl! but, thumbs up sa kanila! napatikim nila ako ng kanilang product.


No comments: