Monday, May 5, 2008

9. ang pan at shake ni Stephani

Masarap mamasyal sa park, sariwa ang hangin, ganda ng mga flowers, pati na views ganda... (lalo na ung kamukha ni Diether Ocampo), tapos merong enough space to play badminton, basketball, tennis, pili lang , kahit ano (except swimming) basta meron lang akong kalaro. And after my physical, sight seeing activities, syempre inaabot ako ng gutom at pagka-uhaw. Go agad ako sa pan-q-han, and partner sa manago shake, WOW! swak na afternoon snack. Of course, i bought one, at dahil nga excuse ko ang aking school project for my "100 jobs", panayangan ako ng tindera na kumuha ng picture.

ang pan, iba-barbeque pa yan para maging pan-q

Pan-q ang mabili sa tingdahan nila Stephani, ang Pan-q ay isang pan na nilalagyan ng red souce at bina-B-B-Q. Pwede itong ordinary or hot and spicy flavor. Sa halagang P5.00 makakabili ka na ng isang piraso, pwede mo rin lagyan ng extra palaman katulad ng isaw, longganisa, hotdog, depende sa panlasa (syempre ang presyo depende sa add-ons)

Si Steph, habang ginagawa ang order ko na shake

Since meron ng pambara, dapat bili na rin ng pantulak. And sa price na P5.00 or P10.00 meron ng manggo shake. Wow!.. sarap lalo na ngayong summer, mainit ang panahon. Napansin ko na parating puno ang tindahan nila steph, malakas ata ang negosyong ito. kung sa bagay, affordable na, masarap pa.. makapunta nga mamya sa park.. i cant wait to have a bite.. Pan-Q! Pan-Q! Pan-Q!


No comments: