Balot: Pagkaing Pinoy na pinoy. Galing sa itlog ng bibi (14 days), nilalaga at binibenta. Masarap ang sabaw ng balot (kaya lang di ko kayang kainin ang piso) .. lalo na kapag may partner na "sukang-pinakurat"....
Sa tuwing gabi, ang sarap kumain ng balot, lalo na after sa walking in a nice-view park... (HHWW with someone..oiiii). Paborito rin ito ng mga buntis at kadalasang pinaglilihian ang balot. At kapag ang anak ay balbunin, ipinaglihi daw ito sa balot.. (dahil siguro sa sisiw). Sabi rin ng iba, pampatibay daw ito ng buto, kasu-kasuan at ngdadag-dag ng lakas .. (pampabaskug sa lawas).
Kaya naman ng makita namin si kuya Isoy na ngbebenta ng balot, di na namin sya pinaglagpas sa eksena. At sa halagang P10.00 ang bawat isa, makakatikim ka na ng balot, exotic Filipino Food.
No comments:
Post a Comment