Thursday, March 10, 2011

Nandito na Ako!

Ang Pagbabalik!

Maraming pagbabagong dumarating sa buhay ng tao sa bawat araw na nabubuhay sya sa mundong ito. Char! napaka-tagaleg naman. Na-alala ko sabi ni BOB Ong idol, pumili ka ang lingwaheng kumportable kang gamitin sa pagsusulat. Kaya pasensya na sa di nakaka-inti ng Filipino, di lang talaga ako "at-ease" sa english. Friendship kami, pero hindi kami "SUPER-CLOSE". Napili kung gamitin ang sariling wika para simulan muli ang aking blog... yehey! nandito na naman ako!


Isang taon na ang nakalipas o siguro mas matagal pa dun ang huling post ko sa Blog na ito sa kabila ng dami ng pictures na nakolekta ko. Pa'no ba naman kasi, ninakaw ung digicam ko at sa maraming pang kadahilanan kaya nagka-amnesia ako at nawala sa isipan ko ang blog ko. Nasa blog na ito rin ang ala-ala ng Mama ko, na masakit man tanggapin ay iniwan na kami. Pero masaya na rin kasi kasama na nya si Lord, mabuti pa sya.

Ano kayang nakain ko at bumalik ang memory ko? Hindi ko rin alam, pero nauubos na ang memory ng laptop ko kakasave ng mga pictures na ako lang ang nakakakita.. kaya "its time to share it to the WORLD".. so WORLD... here it is!....

Sa aking pagbabalik, marami tayong aabangan... watch out!

No comments: