Saturday, September 20, 2008

26. Slow down, men working

Road makers sila....

Vacant time, kaya decide ako pumunta na naman ng Cagagan de Oro City para makita ang aking mga girl friends and para na rin makabonding sila kahit paminsan -minsan. Thats one thing i really enjoyed during weekends. I dont think ill be enjoying my life more if puro na lang ako work.. of course work and no play will make me a dull girl.

Sakay na ko sa bus and luckily bakante ang front seat. Yes! i really like to seat in front, feeling driver kasi ako. Kaya off we go, drive na kami papuntang cagayan. However, nakaramdam ako ng pagkahilo kasi si mamang driver ang bilis mgpatakbo, nasira pa tuloy ang aking hair style. Nways, kumain na lang ako ng "snow bear" at mabuti na lang nawala na ang drousy feeling.


After a while, nagkataka na lang me bakit medyo may traffic sa lonely highway. Unusual, siguro may inaayos na kalsada. I bet, im right!.. meron nga! kuha ako agad ng aking camera para makunan sila, magandang sample ito for my blog.


Since matulin magdrive si manong kanina, at ngayon medyo nagslow down sya, nagkaroon nga ako ng chance para sa pictorial. Di lang nga maganda ang aking mga pictures kasi di naman ako gifted or should i say talented. Pero ok naman, u can still see it.

Pero bakit kelangan pa bang sirain ang simentadong daan, kelangan ba talaga ito ng repair? kaya tumingin ako sa bintana to see clearly the road. kelangan nga pala talaga ng repair, kasi cracked na... according sa linear expansion theory, nag-exceed na ang road sa kanyang thermal expansion coefficient.. joke lang!

Medyo nagcause nga ng discomfort ang pagsasaayos nila ng kalsada kasi ang dating two lines, ginawa muna nilang 1. At may instant traffic person pa.. tigdala ng Stop, and Go sign! in the absence of traffic light. Instant nga! Buti nga at di ako ngmamadali at mabuti na lang nasa GO kami kaya di kami nghintay ng matagal.

Kahit nakaabala sila sa "flow" pero later, we will benefit rin naman sa renovation na kanilang ginagawa. I just hope na matapos na ang project ASAP.